
ANG BITTER SA AKIN
Gabi palang bago yung graduation nilagyan na ng rollers ng nanay ko saka nung baklang kakilala namin yung buhok ko. Nasa buhok ko lang yun buong gabi hanggang sa pagtulog ko. Umaga ng graduation maaga kong nagising dahil 6:30 ang call time sa school. Tinaas ko yung buhok ko dahil hindi pwedeng mabasa sa paliligo ko, syeummpre hindi na kasama ang ulo sa paliligo dahil naligo din naman ako nung gabi.
Naligo ako at may nabasa sa bandang likod ko kaya tumuwid yung buhok ko. Nung nakabihis na ko at nakapag-ayos binaba ko yung buhok ko at kablam ang panget. Oo ayos namna sana kaso may natuwid kaya ang pangit na niyang tignan. DUn na nag-umpisa ang pagkanda-leche-leche ng uamaga ko. Yung araw na dapat masaya ko eh nabalot ng lungkot. Yan n yung nasa isip ko nun. Pinaliguan ko yung buhok ko at nag-umpisa na nga kaming mag-away ng nanay ko. Tumalak lang naman siya ng tumalak eh. Nakakarindi na. Ang laki ng problema niya sa bhay kesyo ang arte ko daw chuchu. Ayoko naman kasi mag-ayos ng kung ano-ano nung graduation eh. Hindi na daw siya sasama sa graduation. Nag-ayos ako mag-isa sa bahay. Nagpasundo sa trike ay mag-isang pumunta ng school. Hindi na sila sumama. Mangiyak ngiyak ako nun habang nasa trike. Yung pakiramdam na mag-isa kong magmamarcha sa araw ng highschool graduation ko, isa sa pinakamahahalagang araw ng buhay ko.
Pagdating sa school madami dami ng tao sa school pero hindi ko makita yung mga kaklase ko kaya nagpalakad lakad lang ako. Unti-unti nakita ko na yung mga kaklase ko at kasama yung magulang nila. Naiiyak na ko nun, kada may magtatanong kung nasan yung magulang ko. Akala daw ba nila pupunta yung mommy ko since hindi naman talaga makakapunta si daddy. Hidni ko alam kung anong sasabihin. Hindi ko naman masabi na “Ah mommy ko? Hindi na pupunta yun galit sakin eh. Bahala na daw ako sa buhay ko.”. Kaya ang sinasagot ko nalang eh hindi makakapunta o kaya baka susunod nalang.
Nagpunta na kami sa pila para sa pagmamarcha. Andun na yung mga kaklase ko kasama yung magulang nila o isa manlang dun samantalang ako nakikisingit lang sa mga picture at mag-isa lang. Walang kasamang magulang na susuporta o maghahatid. Mag-uumpisa na yung marcha wala pa din. Ayun nag-umpisa na nga, unti-unti ng lumalakad yung mga C.A.T. ng himala at nakita kong dumadating yung ina ko kasama yung kpatid at pinsan ko. Ang laki ng tuwa ko nun hindi ko lang maipakita. Nung dumating sila poker face lang ako na parang wala lang. Nahihiya din naman kasi ko maglabas ng feelings kay mommy. Hindi naman kasi ko sanay saka baka maiyak pa ko nun. Ang sayasaya ko lang talaga na kasama ko siyang nagmarcha papunta ng gym para sa graduation. Andun siya ng graduation ko. Ang saya ko! Hindi ako makapaniwala na pupunta siya. Kahit na sinabi niyang hindi na sila pupunta eh pumunta pa din siya sa araw ng graduation ko. Yung lungkot ko nung umaga napalitan ng galak.
Nag-umpisa na dun yung magandang araw ko. Kahit na umuulan ng konti ayos lang kasama ko naman yung pamilya ko.
Matagal bago makapasok sa gym lahat ng magsisipagtapos na humigit kumulang 2000 na studyante kaya medyo matagal akong nakatayo. Syempre hindi na namin kasama yung magulang kasi nasa bleachers lang sila at nasa iababa kaming graduates. Sa sobrang saya ko hidni ko na nainda yung tagal ng pagkakatayo ko non na dati eh inip na inip ako. 7 nagsimula yung marcha tapos natapos yung gaduation alas tres na ng hapon kaya masasabi mong matagal talaga yung naging graduation namin. Paano nga namang hindi tatagal eh 2000+ ang graduates na isa isang umakyat ng stage para tumanggap ng diploma ( well hindi talaga siya diploma, echos lang yun ewan na kung ano nakasulat. Bukod na binigay yung diploma) at nagbow dun sa stage. Lahat ng yun kinamayan yung mga importanteng tao sa stage at pinicturan sa harap ng stage.
Isa pa ding nakatagal ng graduation eh yung mga nag-speech. Ang daming guest speakers kaya ang dami ding nag-speech. Ang pinaka-mahabang speech sa lahat eh yung guest of honor namin. Maganda yung speech niya athindi naman ako naboringan pero matagal talaga. Kung wala kang taga sa pakikinig at boring na boring ka na nung panahong yun eh tyak na aantukin ka sa haba ng speech niya. Pero hindi naman kao inantok eh, nakinig kasi ko ng mabuti sa speaker kasi maganda yung mensahe niya. To be honest na nga nakinig habang dumadaldal sa mga katabi. Ayan ang honest ko na ha. Kais naman mga close friends ko yung mga katbi ko kaya din siguro hindi ako nainip nung graduation kasi hindi kami nauubusan ng mga pag-uusapan. Nagkukulitan kami kaya hindi maiiwasan na nakagalitan kami nun. Hindi naman pinagalitan talaga natignan lang kami ni Sir Alba at alam na yung ibig sabihin nun. Ang daladal ko naman kasi eh samahan mo pa ng mga katab kong madadaldal din. Ano pang aasahan mo?
Hindi din naman kami nagutom kahit ganun katagal kasi may 2 sets of snacks na binigay samin. At oo ang sarap kaya. Solve na solve ako eh. Isang Mcdo at isang Jolibee. Oonga pala hindi ako nagbayad ng graduation fee. HAHAHA! Secret lang yan ha, hindi alam ng nanay ko yan. Binigyan na kasi niya ko ng pera eh nakalimutan ko ibayad tapos tinamad na din akong magbayad. Ayun. Secret lang ha. :))
Nung kumakanta na kami ampotek na naiiyak ako pero hindi naman ako totally umiyak. Alam ko kasi talaga hindi ako iiyak eh, kasi sa mga practice naman hindi ako naiiyak pero iba pala talaga kapag actual na no. Kahit na anong sabi mong hindi ka iiyak maiiyak at maiiyak ka pa din. Naakiyak pa lalo eh nung nakita ko si Sir Lozano na adviser namin na mangiyak ngiyak na din habang nasa stage kasama ang iba pa niyang co-teacher. Yung iba kong classmate naiyak na lalo na si Kamille. Iyakin kasi yun eh. Buti nalang talaga napigilan ko ng konti iyak ko. Konti lang naman kasi naiyak ako buti nalang hindi hagulgul. Nakakhiya yun eh.
After graduation ang daming picture picture na naganap. Medyo wala nga lang maayos na class picture kasi ang harot namin nun. Nagtutulakan tapos muntik pa kaming humandusay sa sahig kasi ang harot nga namin. Hindi naman ganun kadami yata yung pictures ko pero tama lang. Naging parang fans day ko din yun eh kasi naman nagpapicture ako dun sa crush ko. Kay Billie Libao at Rayven Rosit. hehe. Mas kilig much yung kay Billie kaya nga naging DP ko pa yun sa Facebook eh. Hehe. Nagpicture in kami ng honey my love so sweet kong si Ed. Nakakatuwa. Tapos isang hindi ko inaasahan yung nangyari habang nagtatatakbo kami ni Patricia baks para sa card namin eh nakita ko si vergel tapos niyakap ako. HAHA! Nakaktawa lang eh. Parang timang lang, nagulat ako kais nanghingi ng hug sakin. Parang di na kami magkikita eh. Lol baka nga hindi na.
Nung wi ko kumain lang kami sa Jolibee. Well sila lang pala kasi nauna sila pumunta dun tapos nung dating ko patapos na sila eh since busog naman kao hindi na ko umorder. Tira tira nalang nila yung akin. LOL! Dapat kasi talaga sa Shakeys kami kakain kaso tinamad na pumunta ng Tabang.
All in all ang saya ng graduation ko. Masayaaaaaa! The best yon. The best talaga!
lumalandi ka kasi alam mong malandi din yang kalandian mo.
Praise this post!
Nakakpagod in fairness kahit saglit lang kami sa bayan. Bale nagpunta muna kami ng Caingin para bumisita kay Tita Susan saka makikain. Loljk. Ang dami kasing pagkain nung dumating kami eh. Hehe. Nagluto ako ng hotdog tapos may pancake tapos may hipon tapos may tinapay at palaman na chicken spread. Tapos may softdrinks. HNNG! Food porn talaga eh. Hihi.
Tapos nagpunta kami ng bayan para mamili ng kung ano-ano. Konting grocery lang saka necessities lang namin para sa pag-uwi bukas sa Quezon. Bumili na din ng konting naon sa byahe. Sa sobran konti isang pringles pa lang binibili nila. Sila lang uubos nun sa byahe bukas since lagi lang naman akong tulog sa byahe. I’m that baet you know. So ayun hindi pa ko nag-iimpake ng gamit ko kaya ewan ko na. Wala naman akong balak matulog kaya ayos lang yun. Bukas 4am daw alis namin para maaga makadating dun kaya hindi talaga ko matutulog. Manunuod nalang ako ng kung ano-ano sa youtube o kaya magbabasa sa Wattpad, try ko ulit to, para hindi masyadong mahagad sa loading. Kelangan komatapos yung How I Met Your Mother ngayon eh hanggang bukas.
Osya Online Check. Hihi. :))
Naexcite ako bigla mag-college. UST beybe. Pero malaki din yung kaba kasi panibagong kabanata nanaman ng buhay ko yun. Bagong paaralan, bagong mga taong pakikisamahan, bagong gawi. Bago lahat. Para bang back to zero. Sana lang talaga makaya ko, lalo na at pamatay daw ang Accountancy sa UST. Jusme, naway biyayaan na ko ng kasipagan ngayong College at hindi na ko magpa-petiks-petiks lang. Goodluck nalang.